Tuesday, November 5, 2019

ANO ANG CLIMATE CHANGE: CLIMATE CHANGE


ANO ANG CLIMATE CHANGE?



Image result for CLIMATE CHANGE GIF


Ako si Niño Erik L. Dahlgren, 15 taong gulang na nasa baitang 10. Ako ay nakatira sa PILIPINAS.Napili ko itong paksa na gawin sa blog ko para maimulat ko ang mga mata ng kabataan na kailangan nilang ALAGAAN ang ATING BANSA. Para ito ay aabot sa susunod na HENERASYON.



ANO NGA BA ANG CLIMATE CHANGE?



Ang CLIMATE CHANGE ang pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mg Epektong greenhouse (ay ang proseso kung saan mas malaki ang iniaambag na init sa ibabaw ng isang planeta ng radyasyon mula sa atmospera nito kumpara sa kung ang planeta ay walang atmospera) na nagpapainit sa mundo. Nagdudulot ito ng mga sakuna kagaya ng heatwave, baha at tagtuyot na maaaring magdulot ng pagkakasakit o pagkamatay. Kapag tumaas ang temperatura ng mundo, dadami ang mga sakit kagaya ng dengue, diarrhea, malnutrisyon at iba pa. At ito din ang mahirap na pinagdadaanan ng mga bansa ngaun.





Ayon sa mga Eksperto, ang dalawang sanhi ng climate change ay:



experiment GIF
  • Natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon.  Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo.
  •  Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases ). Ang GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng climate change.




Mga simpleng gawain para labanan ang epekto ng climate change:

Image result for gif caring mother earth

1.) Magtanim ng puno at halaman upang magsilbing taga-sipsip ng GHGs.

2.) Magpalit ng bumbilya. Gumamit ng tinatawag na compact fluorescent light bulbs (CFLs).

3.) Magtipid sa paggamit ng koryente. Buksan ang mga bintana at hayaang makapasok ang natural na liwanag at hangin sa tahanan. Iwasang gumamit ng aircon.


4.) Bunutin ang plug ng mga appliances kung hindi ginagamit.

5.) Magtipid sa paggamit ng tubig.

6.) Maging praktikal sa paggamit ng sasakyan. Maglakad kung kinakailangan.

7.) Huwag magsunog ng anumang basura.

8.) Magrecycle. Iwasang gumamit ng plastic bags sa halip, gumamit ng recyclable bags. 

Marami pa akong wala na nabanggit pero sana gagawin niyo toh para ma ligtas ang ating Daigdig.



Kung gusto niyo pang maintindihan ang CLIMATE CHANGE ng mabuti panuorin niyo po ito.






















Kung may itatanong pa po kayo icontact niyo po ako sa GMAIL ko thank you...

nino.dahlgren16@gmail.com






1 comment: